Theme By: © Curlytweets

(Source: livingforthegloryofgod)


(Source: rraaaarrl)


(Source: maytheoddsbeeverinyourfavor-)



Lesson Learned

Ako si Misaki Nakahara. Nakatira sa Bonifacio heights, Taguig. Sundalo ang Tatay ko, si Gen. Nakahara. Siguro iniisip niyo Hapon ang tatay ko, Lolo ko kasi hapon at nakapangasawa ng Pilipina, kaya ayun, pero dito na lumaki si Daddy, at marunong parin siya ng salitang Nihonggo. Bunso ako sa magkakapatid, ang layo ng agwat nila sakin, nung 14 palang ako, yung panganay namin, si Kuya Takenaga, may asawa na, kaso naghiwalay sila, kasama ko sa bahay yung anak niya si Dee-dee. Tapos yung kasunod niya, si Ate Noi naman, graduate na ng Engineering, at yung sinundan ko si Kuya Yuki, graduating na. Bali, apat kaming magkakapatid.

            Nung 14 palang ako, dahil masyadong malayo agwat sakin ng mga kapatid ko, di ko sila napagkukwentuhan ng tungkol sa school pero mahal na mahal ko si Kuya Yuki, naabutan pa niya ko eh. Di naman sila laging nasa bahay, may mga trabaho na kasi at college pa. Si Mommy naman, dumadating siya ng tulog ako, at papasok naman ako sa school ng tulog siya at si Daddy laging on duty. Madalas kong gawin ang panonood ng t.v., text, at paglalaro sa computer. Lagi ko rin kalaro yung pamangkin kong si Dee-dee. Ako tumutulong sa kanya gumawa ng assignments niya, kinder palang siya pero napakakulit niya at para siyang matanda magsalita. Naalala ko nung tinapon niya sa toilet yung gamot ko, anemic kasi ako eh, tapos flinush niya yung toilet. Syempre nagalit si Mommy nun, at sabi ni Mommy, “Diyan ka muna sa kwarto mo ah!” at alam niyo kung anong ginawa ng mabait kong pamangkin? Kinuha niya ang PSP ko at ni-lock ang pinto.

            Nung 2nd yr high school ako, nagkaroon kami ng camping. Kasama namin ang taga-ibang school. Nakakatawa kasi kaklase ko si Dino pero dun ko siya nakikilala, nakikita ko siya pero, di ko naman alam lahat ng pangalan ng mga kaklase ko, naging ka-group ko siya. Sweet siya, at ang lambing ng boses niya, kaya ang tingin ko para ko siyang kapatid, kaya hindi ko inintindi yung pagiging mabait at sweet niya. Nung last night ng camp, nagtataka ako kasi pinasulat niya ko dun sa parang autograph na binigay samin, eh classmates naman kami. Hindi ko na inisip, sumulat nalang ako. After nung event, magkakasama kaming mga magkaka-eskwela, bigla niya kong tinanong, “Wala ka bang Globe? Text naman tayo minsan.” Tapos naalala ko bago mag-camp binigyan ako ni Kuya Yuki ng Globe na sim, kaya sabi ko kay Dino, “Ah, meron. Bigay ni Kuya, sige, text kita.” Pagkauwi namin, after ng unang linggo ng klase tsaka ako nag-Globe, tapos tinext ko na siya. Tinext ko rin yung mga classmate niya. Tinanong niya ko, “May crush ka ba sa school?” ang sabi ko, “Wala ata. Ahh, si Harvie. Crush ko siya simula Grade 6. Eh ikaw? Sino?” tapos nagreply na siya. “Meron. 1. Misaki 2.Nea 3.Lennie 4.Dianne.” Wow, nakakagulat yun di ba? Pero may pumasok sa isip ko tapos tinanong ko sakanya, “Eh di ba girlfriend mo si Dianne? Bakit panghuli siya?” tapos sumagot siya, “Hindi ah. Sino naman nagsabi nun? Crush ko lang siya.” “aahh.” lang ang sinagot ko. Nung nag-Monday na. Nagkita kami, Hi, hello. Yun lang. Pagkatapos si Dianne, wala siyang ginawa kundi tarayan ako, kahit wala naman akong ginagawa. Natapos ang buong isang linggo at nagtext nanaman si Dino. Natagalan ako magreply, may ginawa kasi ako. Nung nagreply na ko, ang sagot niya. “Akala ko galit ka sakin.” Sabi ko, “Hindi ah? Bakit naman? May ginawa lang ako.” “Wala lang. Baka lang. Ano ba ako sa’yo?” Ang sagot ko lang, “Kapatid! Ang sweet mo eh.” Wala naman kasi sakin talaga yun, para ko talaga siyang kapatid, dahil nga yung mga kapatid ko masyadong malayo ang agwat sakin. At nagreply siya, “Kapatid? L sige, kapatid.” Nagulat ako sa sagot niya. Sabi ko, “Bakit? May nasabi ba akong mali?” Sumagot siya, “Wala, kaso di ba crush kita, tapos kapatid lang pala.” Nalungkot naman ako, naawa, naisip ko, kapatid nga lang ba talaga yung turing ko? Eh parang crush ko narin siya eh. Ang sabi ko, “Nakakahiya naman, pero crush din naman kasi kita.” Ang sabi niya, “Bakit ngayon mo lang sinabi?” ang sagot ko, “Eh nakakahiya nga eh.” Sumagot si Dino, “Bakit?” “Eh wala lang. Friends nalang tayo.” “Yehey! J Friends.” Kinabukasan, nakatext ko si Diane, malungkot siya sa text niya, kaya tinanong ko siya, “Anong problema mo? Bakit ka malungkot?”, ang sagot niya, “Tatlong gabi akong umiyak ng dahil sakanya.” Nakakapagtaka, naisip ko yung balita na sila ni Dino, “Sinong siya? At bakit? Si Dino ba? Naging kayo ba?” Ang sabi lang niya, “Balang araw malalaman mo rin Misa.” Nakakapagtaka, pero hindi ko na inisip. Niligawan ako ni Dino. Sinagot ko kahit alam kong bawal pa ko magka-boyfriend, eh lagi naming wala sila Mommy at Daddy sa bahay, pano nila malalaman? Atsaka, ngayon lang ako nakakilala ng taong nakapagparamdam sakin na mahalaga ako. Naging masaya kami ni Dino, kaso masyado siyang seloso, pinagbawalan niya ko makipag-usap sa mga kaibigan niyang lalaki, pero dahil mahal ko narin siya ng sobra, sinunod ko siya. Pinagbawalan niya rin akong kausapin si Diane. Nung Christmas Day, inamin na sakin ni Dianne na naging sila at nagsorry siya dahil tinatarayan niya ko ng hindi ko alam ang dahilan. Nagalit ako kay Dino, sabi ko kay Dino, “Naging kayo ba talaga ni Dianne?” ang sabi niya, “Hindi nga.” Ang sabi ko, “Anong hindi? Inamin na sakin ni Dianne!” ang sabi niya, “Okay, naging kami nga, pero saglit lang yun, ikaw talaga ang mahal ko.” Kahit na ganun, pinatawad ko nalang siya. Masaya naman kami, minsan may away, may selosan, pero hindi ko na yun iniintindi kasi ayokong mag-away kami. Nang patapos na ang school year, sabi ni Dino, “Mabuti siguro, kung maghiwalay muna tayo? Baka malaman sa bahay, sila ang maghiwalay satin.” Ang sabi ko, “Ha? Ayoko. (pa-iyak na ko nun).” At pinigilan niya ko at niyakap, “Sige, pero sa two months na di tayo magkasama, wag mo ko kakalimutan, kahit hindi kita ma-itetext lagi. Marami rin kasi akong ligang sasalihan, para naman malibang ako.” Ang sabi ko lang. “Sige. Naiintindihan ko.” Ang huli niyang sinabi, “I love you, Misaki.” “I love you too, Dino.” Nakakamiss siya, wala naman ako magawa, makipaglaro sa pamangkin ko. Magbakasyon sa Pangasinan, nag-aantay ng text niya. Summer yung birthday niya, kaya tinawagan ko siya noon. Pagkatapos ng birthday niya, nagtext na siya, kaso…. “Misaki, kailangan na talaga natin maghiwalay, nung tumawag ka kasi noon, pinsan ko nakasagot, at sabi ni Mama nung birthday ko, sana wag daw muna ako mag-girlfriend.” Natutulala lang ako, iniwan ko yung cell phone ko, at umiyak sa shower room. Pagbalik ko, sabi niya, “Misa, ano nangyari sa’yo?” ang sabi ko lang, “Wala, okay lang ako, sige, wala na kong magagawa.” At hindi ko na tinignan ang cell phone ko nung araw na yun. Sobrang lungkot ko rin nagkasakit ako. Alalang-alala sila Mommy, sabi kasi ng Doktor lalo daw bumaba ang hemoglobin ko. pero, hindi ko parin sinabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit nagkasakit ako at nahihirapan akong magpagaling. Di kasi sila sanay na tahimik ako.

 Isang lingo nalang, 6 months na kami, kaso wala na eh. Pasukan na. 3rd year na ko. Tahimik lang ako, gusto ko siyang kausapin kaso ayaw naman niya. Tapos nalaman ko sila nung 1st yr na bagong transfer. Sabi ko nga RAGE! talaga. Nagalit ako sakanya. Tapos nagsorry siya. Tinanggap ko ang sorry niya pero galit parin ako. Tuwing magkakausap kami, wala kaming ginawa kundi mag-away, magbangayan, at isumbat lahat ng ginawa niya. Hanggang maging close kami ni Harvie, yung crush ko. Wala, inspirasyon ko lang siya. Hindi naman ako umasa ng kung ano, pero dahil din kay Harvie, hindi ko na naisip si Dino at siguro natakot na ulit ako sa nangyari, ayoko na maulit. Wala rin akong mapagsabihan ng sama ng loob. Nang matapos ang school year na ‘yun, grumaduate narin si Harvie. Bihira na kami magkausap. Nagpapasalamat din ako nung bakasyon na iyon kasi dun ko nakilala ang Panginoon. Napatawad ko si Dino, pero di ko parin maiwasan na magalit o kaya malungkot.  Marami akong pinagkaabalahan nung bakasyon na yun! Sinasama ako lagi ng kaibigan kong si Pauline sa simbahan, nagtuturo kami ng mga bata, tinuruan niya akong tumugtog ng gitara, kaya paminsan-minsan, ako narin ang tumutugtog tuwing Sunday Worship Service, pero parang may mali. Hindi ko parin nasasabi sa magulang ko ang nangyari.  Nung bakasyong rin yun nakausap ko ulit si Dino. Kinamusta niya ko, kinamusta  ko rin siya at sinabi niyang wala na sila nung girlfriend niyang Sophia, hiniwalayan siya. At ayun, tinanong nalang niya kung saan ako nagbakasyon, at sinabi niyang namimiss niya ako, sinabi ko nalang na “Thank you, ingat ka lagi, God bless.”

            4th yr na ko pagkatapos ng bakasyon! Isang taon nalang, college na ko, hindi ko narin siya makikita. Buti nalang hindi ko na siya naging ka-section nung  4th yr dahil napabayaan niya yung pag-aaral niya nung 3rd yr kami. Naging kaklase ko yung best friend niyang si Kean, at naging kaklase naman niya ang best friend kong si Belinda. Nagkaroon kasi ng problema sila Belinda nung 3rd yr kami kaya napabayaan niya yung pag-aaral niya at nalipat sa section two. Dating magboyfriend at girlfriend sila Kean at Belinda, pero ayaw ng pamilya ni Kean kay Belinda. Palibhasa mahirap lang ang best friend ko. Best friend ko siya simula kinder, kababata ko siya, lagi ko siyang kalaro noong magkapitbahay pa kami, kaya lang lumipat kami sa Bonifacio Heights eh, kaya textmate nalang kami at sa school nagkikita. Matalino ang best friend ko, puro nga lang subject sa school ang pinag-uusapan naming eh, kaso nung naghiwalay ang magulang niya, nagrebelde na siya. Kasama sa pagrerebelde niya nang maging sila ni Kean. Seryoso si Kean sakanya kaso si Belinda, ewan ko, ang hirap na niya intindihin. Ang lagi ko nalang sinasabi, wag na niya ulitin yung nangyari sa pamilya niya.

 

            Isang araw, nasa labas ako ng silid-aralan namin at nagbabasa. Tumabi sakin si Belinda, akala ko kung ano ginagawa niya, nagpapacute pala, pero hindi ko alam kung kanino. Nagbago na talaga ang best friend ko. Nung kinagabihan, tinext ko si Dino, sinabi ko, “Pwede ba ituloy nalang natin yung promise natin sa isa’t isa? After college tayo na ulit.” Ang sabi niya, “Sige, pinangako ko naman sa sarili ko na hindi muna ako mag-gigirlfriend.” Napanatag na loob ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko sobrang bait ko noon. Pagkatapos ng isang linggo, hindi na ko kinakausap ni Belinda. Sila na pala ni Dino. Gusto ko magalit, umiyak at sugurin sila. Nakakainis dahil hindi lang ako ang sinaktan nila pati si Kean na close friend ko rin naman. Tinanong pa ko ni Dino kung ano problema ko, hindi nalang ako nagsalita. Dahil sa nangyari, hindi na ko lumalabas ng silid-aralan namin kapag break time, makikita ko lang silang sweet na sweet sa labas. Dahil din dun, kinausap ko si Belinda. Ang sabi ko, “Mas pinili mo siya? Sige, salamat sa lahat kaibigan. Wag ka mag-alala magschoolmate parin tayo.” Simula noon di ko na siya kinausap. Sa section nila may maldita kasing spoiled brat. Nagalit siya sakin dahil ano naman daw kung dati kong boyfriend ang boyfriend ng best friend ko. Sino ba naman hindi magagalit sa sinabi niya. Nasabi ko nalang, “Kung ikaw ang nasakalagayan ko, at kung marunong kang umintindi ng sitwasyon maiintindihan mo ko.” Nagalit siya sa sinabi ko. Ewan ko ba, paborito ako nun eh, lagi akong chinichismis sa iba, palibhasa tau-tauhan lang ng Daddy ko sa militar ang tatay niya. Kaya lang dumating yun point na tinawagan ako ng nanay niya at sinabing susugurin niya ko sa school. Scholastic Decathlon pa naman bukas. Lahat ng kapatid ko nasa bahay noon. Kuma-kain kami, napansin ako ni Kuya Takenaga, “Oh? Bakit parang ang tahimik mo Misa? Ayaw mo nung ginawa kong sushi?” sumagot ako, “Kuya, hindi, masarap nga eh.” At nagtanong si Kuya Yuki, “Eh bakit ang tahimik mo? May problema ka ba? Ano reresbakan ko talaga yun, ayokong inaaway ang baby naming no.” At bigla akong umiyak ng malakas, at sinabi, “Wag kayong magagalit sakin ah? Daddy, sorry po, nagka-boyfriend na po ako. Pero isang taon na po kaming wala. Nung nagkasakit po ako noon at lalong bumaba ang hemoglobin ko, dahil po yun sa sobrang kalungkutan,kasi po hiniwalayan niya ko.” Nagsalita si Kuya Yuki, “Anong pangalan non?! Aawayin ko talaga!” Nagpatuloy ako, “Si Dino po, ka-batch ko. Ang masama po kasi sila na ngayon ni Belinda.” “Belinda? Yung Kababata mo?” tanong ni Ate Noi. “Opo, tapos yung kaklase niya galit sakin dahil sinagot ko siya nung sinabihan niya kong, “ano naman kung dati mong boyfriend ang boyfriend ng best friend mo?” sabi ko po kasi kay Belinda, hindi ko na siya kaibigan kasi sinaktan nila kami ni Kean, yung best friend po ni Dino na dating boyfriend ni Belinda. Dahil sinagot ko yung kaklase niya, tumawag sakin yung nanay nun yung asawa po ng colonel niyo, susugurin daw niya ko. Daddy, Mommy, sorry po, napakasama kong anak, ang tingin na ata sa school masama ako.” At nagsalita narin si Daddy. “Anak, basta ang mahalaga, natutunan mo ang lesson mo. Kakausapin ko ang tatay niya bukas. At anak, kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mata nila, ikaw parin ang pinakamabait kong anak. ” at lalo akong naiyak, “Daddy, sorry po talaga, I love you at thank you.” Nagsalita si Kuya Yuki, “Eh Dad, pano kami? Anak, mo rin kami.” Sabi ni Dad, “Lahat kayo pinakamabait syempre, pero si Misaki ang pinakamabait at pinakamaganda kong bunso. Di ba anak?” “Opo!” “May iba pa bang bunso Dad?” tanong ni Ate Noi, at tumawa na ang lahat. May naalala si Kuya Yuki, “Ay di ba, Scholastic Decathlon mo bukas? Pupunta ako, panonoorin kita.” “O sige Kuya.” Ang saya! Wala na kong tinatago. Naging maganda ang kinalabasan ng desisyon kong sabihin na sa kanila. 

            Sa Scholastic Decathlon, nakita ni Kuya Yuki si Dino, kinabahan ako kasi kinausap niya eh. Pero ok naman. Humingi ng tawad si Dino sa Kuya ko. Kinausap parin ako ng nanay nung kaklase ng best friend ko pero hindi parin nagbago mood ko. Natalo ko ang anak niya sa Scholastic Decathlon, at ako ang lalaban sa ibang school. Yehey!

            Malapit na ang JS Prom, pero wala akong pakialam. Hindi ko na inisip kung sino ang prom date ko basta isusuot ko ang pinaka magandang gown na makikita ko. Nagulat ako, kasi si Francis, yung pinakamatalino samin, varsity pa ng basketball, at ang heartthrob ng section namin ang nagtanong sakin kung pwede niya kong maging Prom Date. Pumayag narin ako, wala naman akong ibang gagawin dun eh, tsaka makakaganti ako kay Dino. Prom Night na, sinundo ako ni Francis sa amin, hanga ako sa kanya, alam ng lahat na sundalo ang Daddy ko at Heneral pa, pero hindi siya natakot, kinausap pa nga niya si Daddy at nagpaalam na ihahatid niya rin ako kagad pagkatapos ng Prom. Mabait naman si Francis, napaka-gentleman, at sweet. Naging close kami nung Prom, at nakita ko rin sa mukha ng mga kaklase at ka-eskwela habang sinasayaw ako ni Francis, yung iba kinikilig, at yung iba galit. Pero sabi ni Francis, “Wag mo silang pansinin.” Nagpahinga muna kami, pagkaupo ko, lumapit si Dino, at sabi niya, “Pwede ba kita maisayaw? Ang babaeng dapat kong 1st dance.” Pumayag narin ako, pero hindi ako nagsasalita. Napansin ni Francis na nakasimangot ako, pano kasi si Dino, kung anu-ano sinasabi. Niyaya ni Francis si Belinda sumayaw at nag-request siya ng masayang tugtog, nung may step na-iikot na, pinagpalit niya kami ni Belinda, para ko siyang hero nung gabing yun. Ang pinakamasaya, kami ang tinawag ng Prom King and Queen. Kitang-kita sa muka ni Dino ang inis. Hinayaan ko nalang pero yun naman ang gusto ko. Pagkatapos ng Prom, hinatid na ko ni Francis kaagad, tulad ng sinabi niya sa Daddy ko. Naging close friends kami ni Francis, ang masaya, active din sa simbahan ni Francis, kaya lagi rin kaming magkasama ni Francis.

            Matapos ang JS Prom, graduation na! Pagkatapos ng apat na taon sa high school, mag-kacollege na ko. Feeling ko kasi impyerno ang high school life ko dahil buong high school life kong ka-eskwela si Dino. College na ko, BS in Mechanical Engineering ang course ko at Francis, BS in Electrical Engineering. Pareho kaming nakapasa sa University of the Philippines (U.P.). Si Dino, sa Adamson University, MASCOM ang kinuha niya, si Belinda, Tourism sa Lyceum of the Philippines University at si Kean, natuloy na sila sa paglipat sa New Zealand. Ang huli niyan sinabi sa’kin, “Misa, salamat at naging kaibigan kita. Magiging ok ako dito sa New Zealand, makakapagmove-on ako na tuluyan mula sa nangyari.” Nakakalungkot kasi si Kean, hindi pa siya nakakapagmove-on bago kami magtapos ng high school. Eh ako kaya? Moved-on na ba talaga ko kay Dino?

            Lumipas ang isang taon. Mas lumalim ang pagkakaibigan naming ni Francis, nakalimutan ko na si Dino, napatawad ko narin siya ng lubusan. Pero isang araw, namamasyal ako sa Trinoma, may bumaga sa’kin habang nakatayo ako sa Department Store at tumitingin ng mga damit. Si Dino, hindi ko talaga akalain. Kinamusta niya ko, at niyaya kumain. Sa Sbarro kami kumain, paborito niya kasi ang Lasagna. Nakwento niyang wala na sila ni Belinda, dahil mahal parin daw ni Belinda si Kean. Wala akong nasabi kundi, “Ganun ba? Sige, kaya mo yan marami pa namang ibang babae diyan, baka hindi talaga siya ang para sa’yo.” Tinanong niya ko, “Eh ikaw? Kamusta love life mo? May naging boyfriend ka pa ba? Si Francis? Kamusta na kayo?” “Wala pa. magtatapos muna ako ng kolehiyo. Kami ni Francis? Ok naman kami, magkasama parin kami sa U.P.” “Napatawad mo na ba ko? Sorry ah? Di ko rin naman gusto na ganun ang mangyari. Eto na siguro yung karma ko. Dalawang babae yung sinaktan ko, Dalawang babae rin yung nanakit sa’kin” “Oo, napatawad na kita. Tapos na yun, malalaki na tayo, bata pa tayo nun. Wag mo ring isiping karma yung nangyari, isipin mo yun yung consequence sa ginawa mo. Ay may sasabihin ako.” “Ano ‘yun?” “May kakilala akong hindi ka Niya sasaktan. Promise.” “Sino naman? Baka pinapaselos mo sarili mo ah? Haha!” “Ang yabang mo naman. Haha. Si Jesus, hinding-hindi ka Niya iiwan basta maniwala ka lang sa kanya.” “Oo nga, tama ka. Nakalimutan ko Siya. Salamat sa pagpapaalala.” “Walang anuman. Kaibigan mo parin naman ako. Ay aalis na ko, may klase pa pala ako.” “Teka!  Ano na pala number mo?” “Yun parin. Haha. Sige ah? Salamat sa Lasagna.” “Sige, Salamat din! Ingat ka.” Ang saya-saya ko, nakapag-usap na ulit kami ni Dino ng parang walang nangyari, at napatawad ko na talaga siya. Ang galing talaga ni Lord.  Pagkatapos ng pag-uusap namin, nakareceive naman ako ng e-mail galing kay Belinda at humingi ng tawad, sabi ko, “Matagal na kitang napatawad Belinda. Salamat. J” Ang saya talaga ng araw na ‘yon.  

            Masaya na ko ngayon, wala na akong kaaway. Napatawad ko narin ang asawa ng Colonel ni Daddy at ang anak niya. Ang sarap maglingkod kay Lord ng wala ng iniisip na iba. Ang ginhawa sa pakiramdam.

            Pano kami ni Francis? Mutual understanding daw ang tawag sa aming relasyon. Tanggap naman ako ng magulang niya. Napakabait nga sa’kin ng Mama niya, nahihiya narin ako, lagi kasing may dalang pagkain si Francis sa U.P. para sa’kin daw luto ng Mama niya. Okay lang din naman kila Daddy si Francis, kasi Kristyano naman ang pamilya niya at responsible si Francis, mataas ang pangarap, pero ayaw pa ni Daddy pinag-uusapan yan. Si Kuya Yuki naman, ok lang naman, basta wag daw akong pa-iiyakin, eh hindi naman kami eh. Nagdecide nalang kami ni Francis na magkaibigan parin kami, pero espesyal siya sa’kin at espesyal din ako sa kanya. At ang importante sa lahat, bahala na ang Diyos, Siya lang naman ang nakakaalam ng lahat at may maganda Siyang plano para sa mga anak Niya.

 

(Source: sounusualdemoiselle)



in my world, everyone is involve…

(Source: sounusualdemoiselle)


keepcalmandlovejoshhutcherson:

In that small glimpse of his face, you can really see that he’s happy. He’s holding the hand of the girl that he’s had a crush on forever. The same girl that he sacrificed for, even up to the point that he was willing to give up his life so that she can be saved, so that she could live. He’s immensely hoping that what she’s saying in the interview is the real thing because he knows for sure that he loves her and before the games, would never ever have dared to dream of a moment like that. 

keepcalmandlovejoshhutcherson:

In that small glimpse of his face, you can really see that he’s happy. He’s holding the hand of the girl that he’s had a crush on forever. The same girl that he sacrificed for, even up to the point that he was willing to give up his life so that she can be saved, so that she could live. He’s immensely hoping that what she’s saying in the interview is the real thing because he knows for sure that he loves her and before the games, would never ever have dared to dream of a moment like that. 

(Source: forfinnick)


(Source: asheathes)


(Source: sebastian-cooper)


1 2 3 4 5 Next

Cookie Lite Theme by Curlytweets.